Wednesday, October 29, 2008

Paalam Tiya Dely

Di kami close ni Tiya Dely. Lalong hindi kami magkamag anak at Lalong hindi kami magka-tropa. Nagpapaalam lang ako sa kanya para sa mga libo-libong taong taga hanga nya. Kasama na dun ang magiting kong lola.

Nabalitaan ko kanina sa GMA-7. Si Mike enriguez ung may malaking ilong na broadcaster ang nagbalita na boses parang nagpapatawa. Patay na raw si Tiya Dely. Nakalimutan ko kung ano ang pangalan saang hospital dinala si Tiya Dely. Pero sabi niya namatay na raw si Tiya Dely sabay pagpangit ng kanyang mukha. Ayun sa balita, kahapon raw habang nasa himpilan ng radyo. Inatake sya. Hindi ng mga MILF kundi ng kanyang karamdaman sa puso. Siguro dala na rin ng sobrang pagmamahal.. Na over dose ng pagmamahal at agad syang isinugod sa hospital. At ung nga, tuluyan ng bumigay. Di man lang nila naisipang pakainin ng pancit si Tiya Dely para humaba ang buhay..

Habang pinapanood ko ang busalsal na ilong ni Mike Enriguez habang sya'y nagbabalita. Naalala ko tuloy ang dating taga laba ng damit ng lola ko. Limot ko na ang pangalan nya. Pero matanda na rin sya.. Ewan ko lang kung patay na rin ata un. Dati sa tuwing darating un sa bahay. May dala dala syang parang kahon. Na takang taka ako kung ano un. Inakala ko nuon lalagyan ng sabon un pala hindi.. Walastik Radyo pala un. Kulay green ang kahon at kulay pula ang pihitan ng pampalakas ng tunog at paglipat ng himpilan. Isa lang ang himpilang pinakikingan nya, Un ay ang programa ni Tiya Dely.

Sa walang kamatayang, dating programa ni Tiya Dely.. Nagpapadala ng liham ang mga taga pagpakinig, Nang kanila mga talambuhay at babasahin naman ito ni Tiya Dely ng malumanay at nakaka antok na boses. Pagkatapos niyang magbasa ng ilang bahagi. Ipinapasa dula ito sa pamamagitan ng boses lamang, Na may mga kasama pang tunog na aayun sa mga eksena. Kadalasan drama at walang hangang iyakan ang mga maririnig dito. Minsan pa nga ung mga ginagahasang eksena ang madalas na itinatampok. Iniisip ko bat di na lang sila sa himpilan ng pulisya magkwento ng mga ganun. Kung sa bagay bayad ang sino mang mapalad na mapiling liham. Tumatanginting na 1000 piso ang naghinintay na pabuya maliban pa dito ang hiling ng nagpadala ng liham.

Ganito kadalasan ang mga eksena ang babasahin ni Tiya Dely.
Para kay Tiya Dely,

Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Nene.. Ako lang po ang nag iisang anak ng mga magulang ko. Sa baybaying dagat kami nakatira at maaga po akong nangulila sa Ama. mabait ang aking Ina. Hangang grade 3 lang ang natapos ko. Gawa ng matinding kahirapan. nung ika-10 kong kaarawan. Dinapuan ako ng sakit at tuluyang nabulag ang aking mga mata at nawalan ng paningin. Pakiramdam ko nun ay sinakluban ako ng langit at lupa.
Titigil dito ang pagbabasa at ipapasok ngayon ang pagsasadula ng mga boses. Babangitin muna ang pamagat kung wari ito ang pamagat.. " Nene.. Nene.. Makakakita ka pa, Wag mawalan ng pag asa"

Eksena nasa klinika ng barangay..( may background music )

LALAKE ; pasensya na misis. ngunit subalit dadapwat eh ikinalulungkot ko. Nadapuan ng matinding sakit ang anak ninyo at naapektohan ang paningin ng iyong anak. Kinakailangan operahan sya sa lalong madaling panahon. Pero binabalaan ko pa kayo. Mahigit isang milyon ang gagastusin nyo sa mga ganito

BABAE ; ( iiyak. hahagulgol) Doc.. wala na bang ibang paraan.. OH!! Diyos ko.. bakit..??( pasigaw nyang isisigaw ) Diyos ko !! bakit.. bakit ang anak ko pa.. bakit kami pa..wala kaming mga pera !!!
NENE ; ( paiyak na boses ) Inay ano pong nangyayari sa akin. ? ( iiyak pa ) bakit wala akong makita.. inay.......!!! ( Iiyak ulit )

BABAE : Nene....!! ( paiyak na boses pero pasigaw )

Mga ganito kadalasan ang maririnig nyo sa programang Tiya Dely. At habang pinakikingan ito ng labandera namin dati. Madalas ang pagpahid nya ng sipon at luha gamit ang niluma at maluwag nyang damit. Nagyoyosi pa sya at nasa loob ng bibig nya ang baga ng yosi. Kagat kagat nya ito.. At tawang tawa ako sa kanya, Kasi baliktad syang mag yosi. Dun sa pinakikingan nya. Ganito rin halos ang ginagawa ng Lola ko sa tuwing nakikinig ng Tiya Dely. Nananahi ng mga sirang damit. Nakahanda ang laba carang luma na rin. Ito ang pinampapahid sa luha at sipon. May mga reaksyon din sila sa tuwing umiigting na ang eksena. Nakikisali animo'y mga chismosang kapitbahay. May mga side comments pa at suggestion sila lang ang nakaka alam at nakakarinig

Pagkatapos ng dula. Babasahin na ni Tiya Dely ang huling bahagi ng liham, Bahagyang magbibigay kumento o gustong sabihin. Una ay mag papasalamat at magbibigay siya ng payo sa nagliham. Ang kanyang kuro-kuro, damdamin at ang huli sasabhin, kung paano makukuha ang gantimpala ng nagliham, kasabay nang kanilang hiling. Sabay sabi hangang sa muli paalam.. Parang sa Dragonball Z pero di boses ni Goku.. boses ni Tiya Dely na gustong mautot..

AB English ( Ang Bobo sa English )

Naiingit ako sa mga taong magagaling sa English. Mula sa spelling, grammar, vacabulary at marami pang ibang paksa na may kinalaman sa English. English kasi ang pinaka patok ngayon at tanggap ng karamihan. Ito ang salitang pang sosyalista at mga taong gustong matanggap ng karamihan. Pati sa pagmumura kailangan English. Gaya na lang ng "shit!!". pag nadapa o natapilok,"SHIT!" pag nagkamali "SHIT!" pag badtrip "SHIT!" basta pag may maling mangyayari o nangyari kailangan mabangit ang salitang SHIT!!. Magic word ang salitang SHIT !! Masama ata pag nagsabi ng TAE!!. Kunyari may nagkamali."TAE!" sagwa raw pakinggan o mabahong pakinggan ang salitang TAE !!. Naiimagine mo na kasi kung ano ung at ang amoy nun. Pero kung SHIT !! ayos lang mas cool daw un.

Siguro naman hindi lang salitang SHIT ang in. May mga salitang pang English din ang cool at katangap-tangap sa nakakarami. Gaya na lang ng salitang SEX.. Pag may nagsabi ng SEX. hindi raw masyado bastos ang dating. Pero pag sinabing KANTUTAN. Malamang mamumula pisngi. Dahil siguradong sampal ang aabutin. Syempre pag nag-English na ang tao. Masarap raw pakingan. Pero pag tagalog. iba na. Gaya na lang ng mga ito.

Bullshit - Tae ng Kalabaw

Vagina - Puki o kiki

Penis - titi o burat

Breast - suso o djoga

Fuck you - Kantutin kita

Son of a Bitch - Anak ng Puta..

At marami pang iba, Marahil dala na rin siguro sa lakas ng colonial mentality dito sa pilipinas. Kailangan English. Hindi lang sa mga salita, Pati sa tatak na rin ng mga sinusuot. Gaya na lang sa sapatos. Pag-gawa sa ibang bansa malamang tingin sayo ng iba, Nakaka angat ka sa kanila. Pero kapag gawa sa marikina ang sapatos mo. Asahan mong magkalevel lang kayo. Kung ang sapatos mo ay tatak ADIDAS, NIKE AT REEBOK. sigurado patok. Lalo na kung original at amoy pabrika pa. Pero kung ang tatak ng sapatos mo ay MIGHTY KID. Para ka lang nagkwento ng Joke sa maraming tao. Dahil malamang nakakatawa un. Hindi lang sa sapatos un, Ganun din sa mga t-shirts at pantalon o shorts. Pagbranded at galing sa ibang bansa. Mabango ang amoy. Pero kung pidro shirt. masangsang. Kung Relo mo ay rolex. wag kang dadaan sa Quiapo o Recto. Mananakaw yan sa'yo.

Aaminin ko, Iba talaga ang gawa ng ibang bansa. Kung pag uusapan ang kalidad. Pero pagusapan muna natin ang English. Wag na lang ung ibang bagay.

Naiinis ako sa sarili ko, Sa tuwing gagawa ako ng sulatin naa English ang gagamitin kong salita. Dudugo ilong ko, pag nagkaganun. Nahihiya din ako sa grammar at spelling ko. Dahil kahinaan ko un. Madalas akong nanghihinayang, Na sana nung una palang, Nakinig na ako ng mabuti sa mga English teachers ko o Nag aral nang mabuti sa English. Sa English uurong na ang buntot ko sa takot. Nangingi-babaw na ang insecurity ko sa katawan. Baka makantiyaw ako ng ibang tao at pansinin ang mga pagkakamali ko. Ito rin ang hindi ko maintindihan sa mga pilipino. Masyadong PERFECTIONIST pagdating sa English. Mayayabang. Kung tutuusin nga mga Amerikano at Briton, Hindi naman sila ganun. Sila pa nga ang mas may karapatang humusga ng pakakamali sa English kaysa sa mga pilipino. Pero hindi ugali ng mga Americano at Briton ang ganun. Marahil nga wala sa salita un. kundi nasa ugali. Ewan lang.

AB English o Ang Bobo sa English. Hindi lahat ng call center ay magaling sa English. At hindi lahat ng call center ay puro English. Hindi lahat ng Amerikano magaling sa english. Hindi lahat ng Briton. marunong managalog =). Pero sa kabila ng lahat mas importante pa rin ung nagkakaintindihan o nauunawanan mo ung gusto sabihin ng kapwa mo. Kahit sign language basta naiintindihan ayos na un. pormality na lang ata ang grammar at spelling.


AB English. Ang Bobo sa English.. SHIT!!!...ay mali.. TAE!!!

Tuesday, October 28, 2008

Pseudo-Relationship

Parang kayo, Pero Hindi. Walang commitment na magaganap. Ni hindi ka sigurado sa role na ginagampanan sa buhay nang isa't isa. Hindi ka pwede ng umasang na nandyan sa sayo sa lagi, Sa oras na mangangailangan ka sa kanya, Hindi naman sya si superman. Di ka pwedeng mag demand. Ung tipong parang nasa isang hostage crisis kayo. Na kung may binigay ka. Aasa kang may ibibigay rin syang kapalit para sayo. Hindi ka pwedeng magselos dahil maaaring wala kang karapatan na magselos. Pwede kang magselos, un nga lang. Wag kang umasang may pakiaalam sya sa selos mo.

There will be no "US" meron lang "YOU and ME". Di sigurado ang feelings nyo. Tapos magtataka ka kung bakit nandun ka parin sa ganung sitwasyon na Pseudo-Relationship. Ni hindi mo nga alam kung may relationship nga bang nagaganap talaga. Clueless ka sa kung saan o ano kayo sa buhay nyo sa isa't isa. Kaya lang, Malamang magsisimula ka nang magtanong sa bolang kristal ni lola basyang. Bakit nanatili pa rin sa ganyang sitwasyon? Para masaya? Para may kilig? Para may excitement sa buhay? Para may magawa sa buhay? Para may maisulat sa blog? o Para lang may makasama ka habang wala ka pa sa pagkakataon nag tinatawag nilang REAL THING ? Siguro parang ganun na nga ung tema. Pero-Paano kun nanlamig na ung isa. Un na rin kaya ang katapusan o mag puputol ng ugnayan nyo sa isa't isa na magtatapos ng lahat. Hindi nga totoo ung naging relasyon nyo. Kung meron man o wala. Pero malamang totoong masasaktan ka. Aminin mo man o hindi

Magiging miserable ka, Hoping na bumalik ang lahat sa dati. Para matutuwid mo mga pagkakamali mo. Malalaman ma na lang din na, Meron din pala syang ibang ka pseudo-relationship. Hirap nang ganun noh?? Pero ung ang mga nakaakibat ng lahat. Na naka antabay lang sa bandang huli. Kasi nga, Una palang wala ka nang pinanghahawakan, Dahil parang kayo pero hindi, At kadalasan hangang doon na lang un.

Magtanong ka man, Mas mainam pa rin na wag mo na lang alamin ang sagot. Baka di mo rin maintindihan o di mo rin tatangapin kung ano man ung malalaman mo. Ma-kunteto sa kung anong meron. Maging masaya na kahit papaano naging parte kayo ng buhay ng isa't isa. Kung ano mang mali ang mangyayari. Mangyayari't mangyayari un. Kahit hindi pilitin. Di mo kasi hawak ang damdamin ng ibang tao. Di nyo rin pwede pagpilitan kung man ang gusto nyong maramdaman.

Ganito ang Pseudo-Relationship. Masarap talaga kadalasan ang bawal. At parang tama ang mali. Para kang pumunta ng party. Invited ka nga, kaya lamang. Hindi ka pwedeng kumain. Makipaghalubilo ka, Pero di ka pwedeng umepal o magbigay ng sasabihin. Madalas ito nangyayari sa mga social climber. Madalas rin itong nangyayari sa mga taong desperado. Sa mga taong kuntento sa, pwede na rin un kaysa sa wala.

May multo sa Ateneo

Isang bagong yugto at simulain ang nakahaing sa akin, Itong mga nakalipas na araw, Kung saan may iba't ibang surpresa ang sumalubong sa akin. Ang katangahan na humanton't naghatid papunta sa kinaasam kong teatro. May halong kababalaghan at kadrahaman. at masigabong palakpakan.

Nagsimula ito noong sabado. umagang umaga, 8am, kasalukuyan akong magliligpit ng gamit na kakainlanganin para sa di kapani-paniwalang college field trip, sa dipolog. Sa gitna nagpagiimis ng mga gamit, isilid sa ibibit-bit kong pulang bag. Biglang tumawag ang dakila kong nanay. Upang ipa alam na dumating na nga ang hinihintay kong pera, Para ipambayad sa "field trip" sumagot ako ng salamat. Hudyat na may kukunin na akong datong. Sa isang kwarta padala pinadaan, Agad akong tumungo sa himpilan nang pagtanggap ng datong. Dito pinasulat ako nag form para sa pausong claiming gimik nila. Ito rin ang mitsa nang paghihintay ng napakatagal. Ang galing nga nilang magtrabaho. Palpak nila, damay ang iba. May nag-aalburoto kasing costumer. Sa hindi malamang kadahilanan. Abala talaga, Nung natanggap ko na ung pera. Wala na akong paliguy-ligoy pa. Sibat agad ako; takbong matulin. patungo sa bus station. Dahil mabait sa akin ang driver ng bus. Iniwan nila ako ng walang pasabi.. tsk.. tsk..tsk.. hindi man lang nakuhang magpaalam bago mang iwan..

Sa aking pagka-bagot, isang mensahe ng text message ang napa ngiti sa akin ulit..
"Hi mr. Darren Bendanillo, the Ateneo de zamboanga. are asking, if can you kindly be our light director. for our up coming play"
reply naman ako.. "Surenes..by all means.. kailan ang pre prod. meeting nyo?"
tunog ulit ng celpone ko. " can you come here at berbuef gym before 2pm? thank you"
reply naman syempre ulit ako " ok sure"
Nung nasa Ateneo na ako, ayaw akong mapasukin ng guardiang, naka batuta. Pero nadaan pa rin sa sapilitan. Pinapasok ako dahil may abogado akong nagtuturo sa ateneo. At sya ang director ng stage play nila.

Sa loob ng ateneo, dinala ako sa LRC ground nila, Sa loob ng campus. Upang ipabatid na may play akong ididirect din. Ayos lang naman sa akin. Isang matibay na "oo" at pagtanggap sa alok ang aking sinagot. Sa LRC ground may nakaramdam ako ng kakaiba, pagsapit ng 6pm nang gabi. Pakiramdam ko nun na may nakatinggin sa akin. Pero di ko mahuli huling tinitignan nya ako. Alam kong tinitignan ako ng babaeng nakaputi, nakapang maria clara ang dating, Nakatayo sya sa may bandang kaliwa ko. Sa may gilid ng ground. Hinayaan ko lang ang ganung pangyayari. Pero di ko pinagsabi sa iba. Walo lang kami nandun at alam kong wala ng ibang tao. Kaya lang may maririnig kang ingay sa may bandang sulok ng ground na di na matukoy kung sino. Kaysa ipagkalat ko sa lahat ang naramdaman at pangitain ko. Mas maigi kung umalis muna at baka nakakaisturbo ako sa mga taong nag iingay na di ko naman nakikita. Ayaw ko rin silang isturbohin sa kanilang rehearsals ang mga kasama ko

Lumabas lang ako. Pero hindi tuluyang umalis. Inbangan ko lang silang lumabas. Pagkalipas ng 30 minutes, Sumunod na rin sila. Pero di na mapinta ang kanilang mga mukha. Dahil sa takot, di ko mapaliwanag. Lumapit ako sa kanila upang mag usisa at magtanong kung anong nangyari sa kanila. Minulto raw sila sagot ng isang lalake. Ung isang babaeng kasama nila ay parang na incubus. Pero di sila sigurado. Ung isang babae nama'y may bumubulong bulong raw na lalake. At isang babae. Sumigaw, Di ko alam ang dahilan basta sumigaw na lang sya. sigaw na pwedeng marinig hangang sa buwan. Ung babaeng parang na incubus may 3 eye raw. Di ko lang alam kung may contact lens din ang 3rd eye nya. basta nakikita nya raw ung mga multo

Marami ang naki-syoso. Mga pinoy nga naman. Pinagpapawisan na ng malamig ung babaeng sumisigaw, habang ung parang na incubus ay humihikbi. Pinakakalma sila nang mga kasama nila. Hangang sa nagsalita ung babae may third eye raw. Sinusundan raw sila ng babaeng di ko makita. At ang sabi gusto raw akong makilala ng multo. Alam kong may mga invisible friends ako. dahil nagsasalita ako mag isa pa minsan minsan. Pero wag naman multo. Di dahil takot ako. Kundi dahil na rin mas gusto kong manahimik na sila at tuluyan nang wag gambalain ang mga nabubuhay. Tama na ung mga multong sinapian lang ng shabu ang utak.

bangungot

Araw ng lunes. Sa kala gitnaan ng tamtim na tulog. Nanaginip akong nanghuhuli ng isda. Sa may baybaying dagat. Naglalakad ako pausad, Palalim ng pa lalim. Hawak ko ang lambat ng panghuli. Malinaw kong kinakinita ang mga naglalanguyang isda sa dagat. Matambaka, tulingan at karabalyas ang mga isdang palanguy-langoy. Nag aaligid aligid sakin. Ako nama'y inaabangan ang pagkakataong mapadaan sila sa bitag ng lambat ko.Nung panghila ko ng lambat. Huling huli ko ang mga isda. Kaya lang, Sa di malamang dahilan di ko maangat ang kamay ko at pakiramdam ko nun unti unti akong nalulunod. Kinakain ako ng tubig.

Pinilit kong lumangoy. Kaya lang di ako maka alis. Tinabunan na ako ng tubig ng tuluyan. Pinilit kong maka alpas. Kasi alam kong malulunod ako nun. Kaya lang, Medyo nakakahinga ako sa tubig. Pero medyo nahihirapan. Pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. Sinubugan ko rin kumawag kawag. o itaas ang kamay. Senyales na nalulunod ako at nagbabakasakali makahingi ng saklolo. Kaya lang parang di ako makagalaw, Di rin makakilos. Palubog ako nang palubog, Palalim ng palalim, Langoy ako ng langoy. Kaya lang hinahatak pa rin ako pababa. Maliwanag ang lahat. May isang malaking liwanag sa likuran ko nun. Di ko alam kong ano un. Nagtaka ako bakit di ako maka angat sa tubig. Marunong naman akong lumangoy. Pinilit ko ulit na sumigaw . Subalit tahimik ang lahat. Kahit agos ng tubig di ko naririnig sa bawat kumpas ko ng aking mga kamay at sipa ng paa.

Alam ko sa mga sandaling iyon, Na nanaginip lang ako. Kaya naisipan kong magrelax. Wag piliting gumalaw. Susubukang idilat ang mga mata. Kaya lang ayaw dumilat ng mga mata ko. Mabigat ang mga talukap ng mga mata ko. Ayaw kumilos ng pilik mata. Pakiramdam ko nun mamatay na ata ako. Pero di ako natatakot. Kalmado ako. Maraming tanong rin ang nagsipasukan sa isip ko. Bumalik na rin ung mga alaala ko, Nung kabataan ko. Nakita ko ang mga taong matagal ko nang di nakita. Nakita ko ung lolo ko. Naka ngiti sya sa akin. eh noong 1992 pa sya payat. Kaya imposibleng makikita ko sya sabi ko sa sarili. Bigla kong naisip ang mama ko. Napatanong ako, Paano na sya ? Marami syang problema, di ako pwedeng makidagdag ? Naisip ko rin ang mga bagay na dapat kong gagawin. Kaya di pa ata ako pwedeng mamatay ? Di ko na pilit magkikilos. Pakiramdam ko, Magpapatangay na lang ako sa agos pababa ng tubig, Pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa outer space. Handang handa sa kung ano man ang mangyari sa lahat. Hinanda ko na rin ang sarili ko.

Naisipan kong magdasal. kaya lang, Imbes na magtanong. Nagpasalamat ako. Nagpasalamat ako sa buhay na ibinigay. Nagpasalamat ako sa pagkakataong ibinahagi sa akin. At sa lahat lahat. Kung meron mang akong nagawang kasalanan at mali. Di ko na maibabalik un. marami rin naman akong ginawang kabutihan. Kaya di ako nagsisi. Handa na ako sa lahat na mangyayari sa akin.

Sa di malamang kadahilanan. May nakita akong dalawang tao. Di ko sila kilala. Hinawakan nila ako sa braso ko. Gusto kong makita ang mga mukha nila. Subalit ayaw gumalaw ng leeg at ulo. Pati mata ayaw gumalaw. Kaya di ko maaninag ang mga pagmumukha nila. Nung hinawakan nila akong pareho. Nakaramdam akong nang kaligayahan. Ini-angat nila akong pareho. Pinaahon sa tubig. Pagkaahon ko. Pinaghihila nila ako. Dun palang nagsimulang gumalaw ang katawan ko at dahan dahang minulat ang mga mata. Naririnig ko na ang ingay nang ikot ng bulok na elisy ng electric fan. Naramdam ulit ang init ng global warming. Naamoy ang luto ng lola ko. Nalasahan ang panis kong laway, namuo sa gilid ng aking mga labi. Sa wakas gising na ako. Di ka mapaliwanag ang pakiramdam ko nun o ang dapat kong gawin. kalmado ako ni hindi ko man lang naisipang kabahan.

Tumayo na ako at nagligpit ng higaan. Humugot ng malalim na hiniga at ibuga nang malakas. pinindot ang off ng eletrik fan. Nag unat unat. hinanap ung celpone-lowbat. lumabas sa kwarto. tinignan ang wall clock. Lintik 2 na naghapon. Gutom na ako. Naghanap ako ng pagkain. Umupo sa mesa. Inisip ang palaisipang nangyaring panaginip. Isa lang ang sagot sa lahat. binangungot ako. tsk tsk tsk sabi sa sarili ko. Para akong si Rico Yan na naudlot.

Halloween at pinagmulan nito

Hindi kumpleto ang halloween kung walang mga trick or treats na tinatawag. Na hindi naman uso sa pilipinas. Kung meron man nang-gagaya lang sila sa mga banyaga.Colonial mentality nga naman. Pero walang masama dun. Katunayan nakakaaliw nga mga bata nagmumukhang mga kampon ng mga lamang lupa. Masaya ring makitang mga bulilit may mga koloreta sa mga mukha at nagiging creative sa mga costume nilang pinagawa sa iba. Gaya ng mga pang-gagaya. Ginagaya rin nila ang mga halimaw, multo, aswang o kung ano paman na makikita sa TV at larawan na pwedeng gawing panakot. Kunti lang ang may orihinal na paggawa ng costume talaga. Pero ganun pa man. nakakatuwang isipin na ginagawang aliwan ang panahon sa pag gunita sa mga patay o ang panahon ng mga paranormal activities.


Maraming bansa ang gumagawa ng ganito. Maliban sa mga Hudyo 0 jews. Ito atang mga panahong ito na muntikan maubos ang lahi nila. Ganun pa man, Ang halloween ay trabisyonal nang ginawa ng maraming bansa. Kasama na ang pilipinas. Na minanapa natin ito sa mga ninunong nanakop sa atin; Mga espanyol. Nagkaroon lang nang halloween talaga nung dumating ang mga amerikano. Kaya lang nung panahon ng hapon. Medyo natigil ang ganitong gawain. Gierra kasi noong mga panahon iyon. Kaya malamang, lahat sila takot. Di lang sa mga multo-multo sila takot, kundi sa tao na mismo. Kaya walang nag mamaskara tuwing halloween. Ang mga makapili ang may karapatang mag maskara. Kaya kung naturo ka ng makapili. Tama lang na matakot ang mga pinoy nang tuluyan. Pilipino na ata ang may malaking pagpapahala sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay kahit sila pa ang makapili.


Pero alam nyo bang, Ang mga "Celts" ang syang nagpauso talaga sa halloween. Hindi mga amerikano. Nabuhay ang mga celts ng 2000 years sa ireland lugar ng sikat na boyband na westlife. Ang mga taga United kingdom at parte norteng france. Pinagdiriwang nila ang bagong taon sa November 1. Hudyat ng pagtatapos ng summer nila at simula na nang pagdilim. Mahaba kasi ang oras ng pagdilim dun sa kanila, Sa tuwing sasapit na ang November 1 o ung mga ganitong panahon. Simula na rin ito ng paglamig. Kaya ito ang mga panahon na hinahalintulad nila sa mga patay na tao. Paniniwala pa ng mga Celts. Bago pa sumapit ang bagong taon nila. Ito ang mga panahon nagsisilabasan ang mga kaluluwa ng mga patay upang maki halubilo sa mga nabubuhay. Ito ung gabi ng october 31. Ang tawag sa pagdiriwang ito ay "Samhain". Gumagawa ang mga celts na malaking bonfire. Upang gumawa ng kung ano anong mga bagay. Gaya ng paghuhula sa kanilang mga kinabukasan. Pinangu ngunahan ito ng mga "Druids" o Pari ng mga Celts. Ung ibang tao. Nagsusuot ng mga costume at ginagaya nila ang mga hayop at kung ano pang pwede nilang magaya.


Sa panahong A.D 43 sinakop ng taga Roma ang malaking bahagi na teritoryo ng mga celts Nagtagal ito ng 400 years. Dito nagkaroon ng dalawang pagdiriwang ang "Feralia". Tradisyon ng mga roma na ibig sabihin ay "Pag alala sa mga namatay". Ang pangalawang araw ay tinatawag na "Pomona" ang pagbibigay parangal sa mga namatay at ang ginamit nilang simbolo ay mansanas.


Nagdaan ang ilang taon at panahon, Dahil na rin sa kristianismo na lumawak hangang sa mga Celts. Nung 17 century. Binasbasan ni Pope Boniface IV na ang November 1 ay magiging "All saint's day". Panahon ng pagpupugay at pagbibigay parangal sa mga santo at martyr. Ang tawag din sa celebrasyong ito ay "All-Hallows o All-hallowmas". ( Middle English Alholowmesse ) ibig sabihin ay ung nga All Saints' day. Ito ung gabi ng mga "Samhain". tawag rin nila dito All-hallows eve, na ginawa na ring halloween. Pagkalipas ng A.D 1000 ginawa nila ang November 2 na "All Souls' day". "Ang araw ng mga kaluluwa". Kahalintulad din ng "Samhain". Na ganun pa rin ung paraan nila nang pagdiriwang. Gumagawa ng bonfire, Parada. Mga costumes. May mga dekorasyon na rin sila ng mga pananakot o nagsisimbolo sa okasyon. Pinagsasama nila ang tatlong okasyon. Ang All Saints' day, All souls' day at ang hallowmas.

Biblia ay metaphor ??

Hindi ko pa nabasa ang Biblia ng buo. Pinipili ko lang ang mga gusto kong basahin. Dahil ayaw kong itong ipaliwanag ayun sa pagkakaintindi ko. Natatakot ako baka mabigyan ko sya ng ibang kahulugan. Naniniwala kasi ako na hindi puro texto ang Biblia. Kung mas higit pa. Marami rin itong mga naka akibat na mysteryo. Nababasa lang ako ng iilang pahina at storya nila kapag alam ko na ang paliwanag nito. Aminin ko. manghang mangha ako dito, Kung tutuusin. Iniisip ko nga, Ano kaya ang mundo kung walang Biblia ?? Totoong maraming tao ang pinabuklod ng biblia. Pero totoo pa rin na marami ang pinahiwalay nito. Ayun sa paniniwala, interpretasyon. Ginawang negosyo at ginawang daan sa kanila sariling kapakanan. Pinatunayan na ito ng kasaysayan. Marami na ngang relihiyon ang nagsisulputan. Aaminin ko hindi kasalanan ng biblia un. Pero ang taong mayhawak nito. Siguro magandang negosyo nga ang relihiyon. Nakakapagtaka nga. Bakit ang islam nananatiling buo. Samantalang ang mga nagbabasa ng Biblia hindi. Kahit parehong paraan lang naman ang Biblia at Qur'an.

Hindi ako naniniwala sa relihiyon. Pero naniniwala akong may Diyos. Naniniwala din ako, Kung ano ang relihiyon mo. Un na ang Diyos mo. Kung may biblia man o wala. Maniniwala ka pa bang may Diyos ?? o Kailan mo pa ng biblia para maniwalang may Diyos nga talaga. Kung mapapatunayan ngang hindi nangyari ang mga kwento sa Biblia. Ibig sabihin ba nun mawawalan ka na rin ng relihiyon o pananampalataya. Walang saysay kung ibabase mo ang pananampalataya mo sa biblia. Pero hindi ko pwedeng itangi na ito ang magiging basehan ng pananampalataya. Mahirap ding maniwala sa walang basehan. Totoo man o hindi. Siguro nga biblia ang pundasyon ng relihiyon. pero hindi ng pananampalataya. Kung ikaw ang tatanungin. Ano kaya ang magiging pananampalataya mo, kung walang Biblia??

Sabi ng kakilala kong doctor sa teolohiya. Dalawa lang ang sigurado sa biblia. Una may Jesus na nabuhay pangalawa na namatay. Ayun daw un sa mga nakasulat sa world history. Pinaliwanag nya rin na, Dito na nagsisimula ang ung pananampalataya. Nagbago man ang pananaw mo. Hindi na kasalanan ng biblia un. Hawak mo kung ano ang paniniwalaan mo. Ito ang magandang regalo sa atin ng Panginoon. Ang kalayaan sa pagpasya. Kung tutuusin raw. kung isasama lahat ng gospel na halos 36 un. Malamang maguguluhan ka. Kaya kunti lang ang inilagay at tugma, parepareho ng paliwanag at hindi nagkakalayo. Magbabago kaya ang pananaw mo kung sabihin sayo na hindi metapora lang ang Biblia ??

Fiction man o hindi ang biblia. Wala pa ring magbabago sa takbo ng buhay ng relihiyon natin. Mahirap kasing idebate ang relihiyon. Malamang mag aaway lang tayo. Hindi magbabago ang relihiyon natin.
Una dahil mas naging mabuting tao tayo dahil dito.
Pangalawa marami tayong natutunan na tugma naman sa mga pang araw araw nagawin natin. Pangatlo nabigyan tayo ng pananampalatayang na may Diyos ngang talaga.
Marami pa itong dahilan kung bakit kailagan pa rin natin ang biblia. Bilang taga sunod sa iyong relihiyon. Obligayson pa rin natin gawin ang mga gawaing akma sa ating mga relihiyon. Ang kristianismo ay hindi relihiyon. Kung di "lifestyle". May biblia man o wala. Hindi pa rin dapat mawala ang disposisyon mo. tungkol sa pananampalataya mo.

Aamin ko, Maaring marami akong matatamaang taong hindi sasang-ayon sa akin. Hindi ko naman hinihingi un. Sa isang banda maaring mali ako o maaring ding tama ako. Hindi naman pwedeng ipagsawalang bahala ang mga pananaw nyo.