Thursday, March 19, 2009

Ang kwento ng kakaibang panaginip

Ang kwento ng kakaibang panaginip

Feb 17, '09 8:31 AMfor everyone

Magsisimula ang lahat sa isang lumang gusali na may 4 na palapag. Nasa ikatlong palapag ako at tatlo kaming nandun, hindi ko sila kilala. Medyo may kalumaan ang gusali. Walang mga kagamitan. Medyo bakbak na ang puting pinturang nakadikit. Sa harapan ng gusali. May makikitang kabundukan at sinag ng araw na hindi naman nakakasilaw. Bandang likuran, May dalawang pool na pabilog at medyo malabo ang tubig nito. pinagigitnaan ang dalawa ng kawayan. Sa ilalim ng pool; Mapapansin ang mga taong nakalubog rito. Para silang mga kaluluwa na ayaw makawala. Pinipilit nilang umahon kaya lang hindi sila maka alis. mapuputla ang mga mukha nila. Ang pool na nasa kaliwa naman ay walang gaanong mga tao. Kaya lang may mararamdaman kang mga kaluluwang nasa ilalim lamang ng tubig.
Sa sobrang gusto ko silang tulungan. Bumaba ako upang matulungan ang mga taong nasa ilalim ng tubig ng pool. Napababa ako hangang sa ika-unang palapag. Nang palabas na ako ng gusali. Naharangan naman ako ng rumaragasang kotseng dumaan sa harapan ko. nalaglag ung kotse sa. Sa kanang bandang pool at hindi na naka alis pa. Nagsisigaw ng tulong ung driver. Gusto kong sagipin ung driver kaya lang di ko magawa malayo siya masyado sa akin
Lumapit ako sa bandang gilid ng pool. Nang dumating ung isa ko pang kasama na hindi ko alam kung ano ang pangalan nya. Nakasakay siya sa pick-up truck na kulay pula. Kaya lang nung tumulong siya. Siya naman ung nahulog sa pool. Inabot ko ung parehong kamay ko kaya lang ung likod lamang ng pick-up track ang kinayang kong hawakan. Nagsisigaw ng tulong ang taong nasa loob pick-up. Pinipilit kong hinihila ang pick-up. Binalaan ako ng kasama kong mag ingat. Baka malaglag ako sa pool. Sa sobrang gusto kong tulungan yung taong nasa loob ng pick-up upang hindi tuluyang mahulog sa pool. Nabuhat ko ng buo ang pick-up. Humanga ako sa sarili ko nung nabuhat ko ang truck. Sakto naman dumating ang tatay ng nasa loob ng truck. Sa hindi ko alam na kadahilanan. Pinagalitan nya ako. Pinagtanggol ko naman ang sarili ko. Sabi ko niligtas ko lang sya. Nang may mas narinig pa akong mga kaluluwang ligaw nasa ilalim ng tubig. Naisipan kong tulungan sila. Magaling akong lumangoy kaya alam ko kung paano lumigtas ng nalulunod. Ibinaba ko ang kaliwang paa ko sa tubig. Binalaan ako ng isang lalakeng na hindi ko makita ang mukha. Oras na lumubog ako sa tubig. hindi na ako makakabalik. Kaya lang nasa ilalim na ng tubig ang kaliwang paa ko. Naramdaman ko ang takot. Ang hinagpis ng mga tao at kaluluwang nasa ilalim ng tubog ng pool. Bigla akong natakot at inahon ang paa.
Nagising ang dalawang dementors, Mga nilalang na ipinakilala sa harry potter na siyang nagbabantay ng mga kaluluwang ikinulong nila sa ilalim ng pool. Hindi ko matukoy kung saan sila nangaling pero hinahabol nila kami. Dali dali naman akong pumasok sa lumang gusali namin. Naiwan akong mag-isang nanakbo. Bigla akong nadapa. Takot akong tinignan ang mga pagmumukha ng dalawang dementors pawang walang mga mukha. Nakapulot ako ng dalawang pat-pat na kawayan. Parang arnis. Yung ang ginamit ko panlaban sa mga sumugod sa aking mga dementors. Natalo ko sila nagwagi ako. Subalit may binitawan silang salita. Babalik sila upang gumanti.
Umakyat ako sa ikatlong palapag ng gusali. Bitbit ang arnis at mga binitiwang salita ng mga dementors. Humingi ako ng tulong sa mga kasamahan kong nasa gusali. Pero di ko sila mahanap. Pero kusang dumating ang aking mga kamag-anak at pamilya. kumpleto kong nakita ang mga ankan ko't nagdala pa sila ng maraming tao. Sinabi ko sa kanila ang mga mangyayari at ang plano ko. Ako ang naging pinuno nila. Ipinaghanda ko silang lahat para sa pagsalakay ng mga dementors. Pinagdala ko sila ng arnis bilang panlaban sa mga sasalakay sa amin.
Tumingin ako sa bilog na pool. Nakikita kong unti unti itong nagiging gusali tulad ng sa amin. nagpadala ako ng spy upang malaman ang mga pinaggagawa ng kalaban. Habang parami ng parami ang mga taong pinamumunuan ko. Doon ko pa na lamang isa rin pala akong kaluluwa dahil lahat kami ay nakaputi. Dumating ang pinadala kong spy. Binalita nya sa akin kung sino ang lider ng kabilang kampo. Si Eugene ng ghost figther ang lider ang pinuno ng mga dementors.
Dumating na ang araw ng pagsugod. Nakahanda na ang lahat. Nung nakita kong pasugod sila. Hindi na mga dementors ang mga sumugod sa amin kundi mga ordinaryong tao lang. mga kaibigan sila ng mga taong kakampi ko. Nagtaka ako kung bakit hindi kami nag-aaway. Parang reunion yun ng mga taong matagal ng hindi nagkakakitaan. Nagulat ako sa mga nangyari at nagtakang parang isang malaking pagtitipon ang lahat. Walang gulong nangyari kundi bagkos. Nakikipagsayahan sila at ang iba'y ipinapakilala sa akin. Nakangiti ang lahat. Dumating si eugene ang bida sa cartoons na pinamagatang ghost figther. galit na galit. Sinira niya ang kasiyahan ng lahat nang nagpakawala siya ng maraming ray-gun. Pero walang pumapansin sa kanya. Tinitignan lang siya ng lahat na parang ayaw niyang makitang masaya ang lahat. Hini ko lubusang alam kung bakit siya galit. Nagkaka ayos at nagkakamabutihan na ang lahat. Ni ray-gun niya ako. Ako ang isinisi niya kung bakit masaya ang lahat. Dahil alam kong cartoon lang siya. Inilabas ko ang aking pambura. Lahat ng tinitira niyang ray gun sa akin. Binubura ko lang. Hangang sa binura ko na siyang tuluyan. Nanalo kami. Tuwang tuwa ang lahat. Nagbunyi ang lahat. Pero hindi na ako pinapansin ng mga tao. Nagtaka naman ako. Kasi ako ng bida dapat ng panaginip ko. Naglagay sila ng mahabang lamesa at upuan. Nakita ko dun mga mga iilang politikong nakaupo malapit sa lamesa. Nakita ko si Franklyn Drilon at si Manny Villar. Lahat ay nakaputi. Para kaming nasa kampanya. Nagpasalamat si drilon sa mga taong nandun. Sa aming tagumpay. Nag bilang nag- announce siya ng kanya kandidatura. Tatakbo raw siya ng pagka-pangulo at ang vice presidente niya ay si Manny Villar. Hindii ko nakayanan ang nagnyayari. Sa galit ko napasigaw ako ng Ayaw ko sayo. mas gusto ko si Mar Roxas. at tumigil ang lahat ng galaw.
Nagising na ako.