Tuesday, September 28, 2010

Henlin Libre na, Panalo pa!

Wala ng sasarap pa sa libre. at umaasa akong sana manalo sa ganito pa-promo. Lalo na kapag henlin masarap kasi ang mami soup dito lalo na ung siomai. walang kasing sarap

Bilang dakilang alagad ng henlin tutulungan ko silang mag promo. Sana manalo tayong lahat.

Ito po ang website nila

www.henlin.com.ph/

dito rin po kayo magregister upang makasali sa pa-promo nila

rss.philstar.com/henlinmechanics.aspx

Saturday, September 11, 2010

1st National Orchestra Festival 2010 at CCP



Bago ang lahat, itatagalog ko na lang ang blog na ito kahit english ang title.


http://www.vintersections.com/2010/09/win-pair-of-tickets-to-1st-national.html


Dahil ito, ang kauna-unahang pambansang labanan ng mga taong musikero sa CCP sa pamamagian ng Orchestra.





Hindi pupwedeng palagpasin ang ganitong pagkakataon - Para sa isang alagad at disipolo ng sining. Kinakailangan matunghayan ko ang ganitong pangyayari sa harap ng aking mga mata. Isang mabisang paraan din ito, upang hikayatin pa, na gumawa ng ganitong festival sa CCP.

Para sa pakontest ni Arvin hinikayat niya akong sumali:


http://www.vintersections.com/2010/09/win-pair-of-tickets-to-1st-national.html#more


Bukod pa dito, nais ko ring makasama ang aking pinakamamahal sa ganitong okasyon. Mas masarap ang musika kung may inspirasyon kang kasa-kasama ika nga. Kaya ang iimbitahan ko ay ang aking kasintahan. Kung papalaarin hihilingin ko ang SET A upang dito ko ilaan ang aking sandaling pagkakataong mapanood ang naturang festival

Friday, July 23, 2010

Free Song & Dance Workshop

FREE song and dance workshop!!! August 7 10th sa studio ni Direq. EGI tower taft. tabi ng la salle. 10 am

Ito ay para lamang sa edad 6-16 years old. Pwede na ring hangang 18 basta ung mga seryoso gusto hubugin pa ang kanilang talento. Mahusay naman ang magtuturo.

Click niyo to; http://ph.linkedin.com/in/koinetsg

para sa profile ng taong magtuturo na si Njel Demesa

Fairydust Skin Art

Kung balak niyong magpaparty para sa mga kiddies niyo. binabalak niyo rin ba itong gawing masaya? Bakit hindi niyo subakan ang Fairydust Skin art. Para maiba naman








http://ph.88db.com/Events-Seminars/Arts-Crafts/ad-187139/

Diba mas masaya ang party kung may ART. Hindi lang siya puro kainan.

Masaya talaga kapag may Fairydust Skin ART.

Tuesday, July 20, 2010

Para kaalaman mo..


Ito ay magiging simula ng masayang tagpuan ang mga artistang taga-teatro.



NJEL DE MESA’s
PLUG-N-PLAY
Theater Soiree
at Conspiracy Bar
on July 27, 2010

Njel de Mesa, Phil. Digital Music Awards’ Most Promising Artist Awardee & DREAM Songwriting competition winner will stage an acoustic show combined with playscript readings on July 27, 2010 7pm-9pm at the Conspiracy Bar, Visayas Ave. But more than an acoustic show, it’s a theater soiree attended by actors, directors, casters, and ad agency people. Featuring his Palanca Award-winning plays and sensational OPM English translations; the interactive show gives a chance for theater industry professionals and school-based theater groups to interact with each other through “Who’s line is it anyway” games and script readings. If you are an actor longing for exposure, fun, or simply wanting to socialize with other theater people, come and join the fun! No entrance fee required. For inquiries call 3863278 or log on to www.njeldemesa.multiply.com.

Translation-Session

Kung nais niyong gumimik sa darating na mga week-ends dahil bagot sa trabaho. Kung nagsasawa na kayo sa mga banda at walang katapusang ingay ng applifier sa mga bars. Mayroon akong imumungkahi sa inyo. Subukan niyo lang baka magustuhan niyo




Gaya ng nakasaad sa larawan. translation session - Ang kilalang musikang pilipino ay isinalin sa ingles. Upang mapalaganaap ang ganda ng musikang pilipino

Ito ang mga samples ng mga nagawa.



Maari pong i-click ang link na ito:

http://www.youtube.com/user/njeldemesa

Thursday, March 19, 2009

Ang kwento ng kakaibang panaginip

Ang kwento ng kakaibang panaginip

Feb 17, '09 8:31 AMfor everyone

Magsisimula ang lahat sa isang lumang gusali na may 4 na palapag. Nasa ikatlong palapag ako at tatlo kaming nandun, hindi ko sila kilala. Medyo may kalumaan ang gusali. Walang mga kagamitan. Medyo bakbak na ang puting pinturang nakadikit. Sa harapan ng gusali. May makikitang kabundukan at sinag ng araw na hindi naman nakakasilaw. Bandang likuran, May dalawang pool na pabilog at medyo malabo ang tubig nito. pinagigitnaan ang dalawa ng kawayan. Sa ilalim ng pool; Mapapansin ang mga taong nakalubog rito. Para silang mga kaluluwa na ayaw makawala. Pinipilit nilang umahon kaya lang hindi sila maka alis. mapuputla ang mga mukha nila. Ang pool na nasa kaliwa naman ay walang gaanong mga tao. Kaya lang may mararamdaman kang mga kaluluwang nasa ilalim lamang ng tubig.
Sa sobrang gusto ko silang tulungan. Bumaba ako upang matulungan ang mga taong nasa ilalim ng tubig ng pool. Napababa ako hangang sa ika-unang palapag. Nang palabas na ako ng gusali. Naharangan naman ako ng rumaragasang kotseng dumaan sa harapan ko. nalaglag ung kotse sa. Sa kanang bandang pool at hindi na naka alis pa. Nagsisigaw ng tulong ung driver. Gusto kong sagipin ung driver kaya lang di ko magawa malayo siya masyado sa akin
Lumapit ako sa bandang gilid ng pool. Nang dumating ung isa ko pang kasama na hindi ko alam kung ano ang pangalan nya. Nakasakay siya sa pick-up truck na kulay pula. Kaya lang nung tumulong siya. Siya naman ung nahulog sa pool. Inabot ko ung parehong kamay ko kaya lang ung likod lamang ng pick-up track ang kinayang kong hawakan. Nagsisigaw ng tulong ang taong nasa loob pick-up. Pinipilit kong hinihila ang pick-up. Binalaan ako ng kasama kong mag ingat. Baka malaglag ako sa pool. Sa sobrang gusto kong tulungan yung taong nasa loob ng pick-up upang hindi tuluyang mahulog sa pool. Nabuhat ko ng buo ang pick-up. Humanga ako sa sarili ko nung nabuhat ko ang truck. Sakto naman dumating ang tatay ng nasa loob ng truck. Sa hindi ko alam na kadahilanan. Pinagalitan nya ako. Pinagtanggol ko naman ang sarili ko. Sabi ko niligtas ko lang sya. Nang may mas narinig pa akong mga kaluluwang ligaw nasa ilalim ng tubig. Naisipan kong tulungan sila. Magaling akong lumangoy kaya alam ko kung paano lumigtas ng nalulunod. Ibinaba ko ang kaliwang paa ko sa tubig. Binalaan ako ng isang lalakeng na hindi ko makita ang mukha. Oras na lumubog ako sa tubig. hindi na ako makakabalik. Kaya lang nasa ilalim na ng tubig ang kaliwang paa ko. Naramdaman ko ang takot. Ang hinagpis ng mga tao at kaluluwang nasa ilalim ng tubog ng pool. Bigla akong natakot at inahon ang paa.
Nagising ang dalawang dementors, Mga nilalang na ipinakilala sa harry potter na siyang nagbabantay ng mga kaluluwang ikinulong nila sa ilalim ng pool. Hindi ko matukoy kung saan sila nangaling pero hinahabol nila kami. Dali dali naman akong pumasok sa lumang gusali namin. Naiwan akong mag-isang nanakbo. Bigla akong nadapa. Takot akong tinignan ang mga pagmumukha ng dalawang dementors pawang walang mga mukha. Nakapulot ako ng dalawang pat-pat na kawayan. Parang arnis. Yung ang ginamit ko panlaban sa mga sumugod sa aking mga dementors. Natalo ko sila nagwagi ako. Subalit may binitawan silang salita. Babalik sila upang gumanti.
Umakyat ako sa ikatlong palapag ng gusali. Bitbit ang arnis at mga binitiwang salita ng mga dementors. Humingi ako ng tulong sa mga kasamahan kong nasa gusali. Pero di ko sila mahanap. Pero kusang dumating ang aking mga kamag-anak at pamilya. kumpleto kong nakita ang mga ankan ko't nagdala pa sila ng maraming tao. Sinabi ko sa kanila ang mga mangyayari at ang plano ko. Ako ang naging pinuno nila. Ipinaghanda ko silang lahat para sa pagsalakay ng mga dementors. Pinagdala ko sila ng arnis bilang panlaban sa mga sasalakay sa amin.
Tumingin ako sa bilog na pool. Nakikita kong unti unti itong nagiging gusali tulad ng sa amin. nagpadala ako ng spy upang malaman ang mga pinaggagawa ng kalaban. Habang parami ng parami ang mga taong pinamumunuan ko. Doon ko pa na lamang isa rin pala akong kaluluwa dahil lahat kami ay nakaputi. Dumating ang pinadala kong spy. Binalita nya sa akin kung sino ang lider ng kabilang kampo. Si Eugene ng ghost figther ang lider ang pinuno ng mga dementors.
Dumating na ang araw ng pagsugod. Nakahanda na ang lahat. Nung nakita kong pasugod sila. Hindi na mga dementors ang mga sumugod sa amin kundi mga ordinaryong tao lang. mga kaibigan sila ng mga taong kakampi ko. Nagtaka ako kung bakit hindi kami nag-aaway. Parang reunion yun ng mga taong matagal ng hindi nagkakakitaan. Nagulat ako sa mga nangyari at nagtakang parang isang malaking pagtitipon ang lahat. Walang gulong nangyari kundi bagkos. Nakikipagsayahan sila at ang iba'y ipinapakilala sa akin. Nakangiti ang lahat. Dumating si eugene ang bida sa cartoons na pinamagatang ghost figther. galit na galit. Sinira niya ang kasiyahan ng lahat nang nagpakawala siya ng maraming ray-gun. Pero walang pumapansin sa kanya. Tinitignan lang siya ng lahat na parang ayaw niyang makitang masaya ang lahat. Hini ko lubusang alam kung bakit siya galit. Nagkaka ayos at nagkakamabutihan na ang lahat. Ni ray-gun niya ako. Ako ang isinisi niya kung bakit masaya ang lahat. Dahil alam kong cartoon lang siya. Inilabas ko ang aking pambura. Lahat ng tinitira niyang ray gun sa akin. Binubura ko lang. Hangang sa binura ko na siyang tuluyan. Nanalo kami. Tuwang tuwa ang lahat. Nagbunyi ang lahat. Pero hindi na ako pinapansin ng mga tao. Nagtaka naman ako. Kasi ako ng bida dapat ng panaginip ko. Naglagay sila ng mahabang lamesa at upuan. Nakita ko dun mga mga iilang politikong nakaupo malapit sa lamesa. Nakita ko si Franklyn Drilon at si Manny Villar. Lahat ay nakaputi. Para kaming nasa kampanya. Nagpasalamat si drilon sa mga taong nandun. Sa aming tagumpay. Nag bilang nag- announce siya ng kanya kandidatura. Tatakbo raw siya ng pagka-pangulo at ang vice presidente niya ay si Manny Villar. Hindii ko nakayanan ang nagnyayari. Sa galit ko napasigaw ako ng Ayaw ko sayo. mas gusto ko si Mar Roxas. at tumigil ang lahat ng galaw.
Nagising na ako.